Sunday, March 29, 2009

Richard Gutierrez and Michael Flores: “No Heated Altercation or Gun-Toting Happened!”

Richard Gutierrez and his companions vehemently denied that he and Michael Flores got into a "heated argument" at the 40th birthday party of director Mark Reyes in the Oceana Restaurant in Pasay. According to the verification done by showbiz reporter Jun Lalin, Bubbles Paraiso, Richard's PA Nomer and even the birthday celebrator himself supported Richard's statement that no "gun-toting" or "heated arguments with Michael Flores" ever happened as reported by the Philippine Entertainment Portal (PEP) (See related article for more info about the PEP report).
UPDATE! PEP editor Jo-Ann Maglipon published a letter of "clarification, correction and apology" addressed to Richard Gutierrez, Michael Flores, Epy Quizon and their readers for failing to fully investigate the veracity of a "reported" incident before uploading it to their website (Read the whole PEP LETTER FROM THE EDITOR)
Richard Gutierrez and Michael Flores Denies Gun-Toting Incident
For this erroneous report, PEP editor Jo-Ann Maglipon is set to release an apology for that article. Below is the whole Jun Lalin report regarding this incident:
NAGTUTUKAN DAW NG BARIL?!

Richard at Michael, ‘pinag-away’ ng PEP

by Jun Lalin (Courtesy of xandrite)


PAGKAGALING KO kahapon sa teaser shoot ng isang bagong project ni Richard Gutierrez kasama ang isang sikat na aktres, tinawagan ako ni Mimi (taga-California), isang loyal fan ng bida ng Zorro.
Umiiyak si Mimi na nagtanong sa akin kung ok lang ba ang kanyang idolo.
“Nagkakagulo kasi kami sa thread. Nag-iiyakan kaming fans ni Richard dahil lumabas ngayon sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nagkaroon daw sila ng away ni Michael Flores pagkaalis niya sa party ni Direk Mark Reyes. Ok lang ba si Ri*chard? Please, Kuya Jun, tell me the truth.
“Ano bang gulo ‘yon at may tutukan pa raw ng baril, pero hindi lang alam kung sino ang nanutok at kung sino ang natutukan,” umiiyak na kuwento ni Mimi. Nag-online si Mimi para basahin sa akin ang lumabas sa pep.ph.
“Nag-iiyakan kaming mga fans ni Richard dahil kung anu-anong comment ang nakalagay roon,” sey pa ni Mimi.
Sinabihan ko si Mimi na maghinay-hinay. Walaang naikukuwento sa akin si Richard na na-involve siya sa anumang gulo.
“Imposibleng totoo ‘yan. Dapat may sinabi na sa akin si Richard kahit paano. Ang saya-saya pa nga niya sa tea*ser shoot ng bagong project niya,” sey ko kay Mimi para makalma ito.
Maya-maya lang ay may iba pang fans na nag-text sa akin tungkol sa inilabas ng PEP.
Ifinorward ko kay Annabelle Rama ang ilang text message ng fans at tinawagan ako ng nanay ni Richard.
“Hindi ko alam ‘yan. Tatawagan ko si Chard!” sey sa akin ni Tita Annabelle.

***

Bago ako natawagan uli ng nanay ni Richard ay nakatanggap ako ng text message mula kay Bubbles Paraiso na nasama ang pangalan sa report ng PEP.
“Nakakaloka, PEP has an article now na Chard daw got into a fight last night with Michael Flores. My name, Mitch (Michelle Madrigal) and Epy Quizon are there, too.
“And a gun daw was involved. Hellooo??? Us Zorro peeps (people), we’re together the whole time and no such thing ensued. Walang away o argument na nangyari,” sey ni Bubbles sa kanyang text message.
Nang tawagan uli ako ni Tita Annabelle, hindi pa niya nakakausap si Richard dahil pagdating daw ng anak sa condominium unit nito ay nag-shower kaagad ang binata.
“Hindi ko pa nakakausap si Chard. Tinanong ko na ang mga alalay niya, wala raw silang alam na may ganoong nangyari kagabi.
“Sinabihan ko si Nomar (Richard’s P.A.) na magsabi siya ng totoo, pero wala raw talaga,” sey ni Tita Annabelle sa kabilang linya at pinayuhan ko siya na kausapin si Bubbles dahil nabanggit ang pangalan ng isa sa mga alaga niya sa report na lumabas sa nabanggit na website.

***

Tinawagan ko si Erwin Santiago, ang editor ng PEP, para linawin ang report na inilabas nila sa kanilang website. Day-off nito kahapon, pero aalamin daw niya ang tungkol sa bagay na ‘yon.
Ipinaalam ko kay Erwin na hindi man lang nagtanong sa akin ang kanyang writer bago inilabas ang report na ‘yon.
Pinayuhan ako ni Erwin na tawagan si Karen Pagsolingan tungkol sa bagay na ‘yon pero hindi ko naman ma-contact ang isa sa mga namamahala sa PEP.
Tinawagan din ako ni Richard para sabihing wa*lang gulong nangyari sa kanila ni Michael Flores.
“Walang gulo. Walang ganoong pangyayari, bakit may ganoong lumabas sa PEP. Walang katotohanan ‘yon. Tanggalin nila ‘yon!” ang pahayag ni Richard, na halatang galit dahil sa nakakasirang-puring report na ‘yon.
Nang mag-check ako sa PEP para basahin ang report na ‘yon na na-post ng 4:01 PM ay hindi ko na mabuksan pa at tanging titulo na lang ang naiwan.
Maya-maya lang ay nawala na rin ang titulo.

***

May ilang tao akong pinagtanungan tungkol sa report na lumabas.
Ayon kay Lhar Santiago, naunang umalis ang grupo ni Richard sa party at wala siyang napansin na anumang gulo sa pagitan ng binata at ni Michael.
“Hindi ko rin nga alam kung bakit may ganyang intriga,” sey ni Lhar sa akin.
Tinawagan ko rin si Direk Mark kaugnay ng intrigang ito kay Richard.
“Imposibleng nangyari ‘yan! Hindi totoo ‘yan! Umalis lang si Michael sa party nang nag-alisan na ang lahat. No’ng time to go na. Walang nangyari talagang ganyan at kawawa naman si Richard!
”Iyung sinasabi nilang reliable source raw na nagkuwento na may ganyang gulo, ilabas nila at kokomprontahin ko.
“Nag-usap na kami ni Michael at willing kaming magpainterbyu para ma-clear ang pangalan ni Richard.
“Nahihiya rin ako at may ganyang intrigang nangyari sa birthday party ko, pero alam ko sa sarili ko na wala akong tsismosong inimbita para magkaroon ng ganyang imbentong kuwento!” paliwanag ni Direk Mark.

***

Habang tinatapos ko ang column na ito ay muling tumawag si Tita Annabelle.
“Si Jo-Ann (Maglipon) pala ang nagpatanggal ng article na ‘yon. Siya raw kasi mismo ang nagsabi sa mga tao niya na huwag ilabas ‘yon hanggang hindi sigurado kung totoo nga.
Nahihiya nga raw sa akin si Jo-Ann. Nag-sorry nga siya.
“Maglalabas daw sila ng apology dahil doon,” medyo kalmado nang pahayag ni Tita Annabelle.
Tinawagan din ako ni Bubbles para ikuwentong pagkaalis nila ng party ni Direk Mark ay nagtuloy pa sila sa bahay ni Richard para magkuwentuhan at lahat sila ay masaya roon.
“Kung may ganyang pangyayari, sana napag-usapan na namin, pero talagang wala!” sey pa ni Bubbles.
Ang payo naman ni Tita Annabelle sa gumawa ng intriga kay Richard ay, “Hindi niya o nila kayang i-down ang anak ko. Sa ginagawa nila kay Richard, lalo siyang mamahalin ng mga fans.
“Lalong susuportahan ng fans ang Zorro!”
PBA09o77p051

No comments:

Post a Comment

Blog Widget by LinkWithin