Sexy star Diana Zubiri is rumored to become a mother soon.
This was revealed by Jobert Sucaldito in The Buzz today and in his gossip column:
SIKAT NA SEXY ACTRESS, 4 NA BUWANG BUNTISIn the clue alone, you will get the hint "Princess Diana" and "Miguel Zubiri".
ni Jobert Sucaldito, Bandera
Confirmed! Nasa maselang kalagayan nga ngayon ang isang napakagandang sexy actress. Nagsimula ang kuwento as a simple rumor pero nu'ng mabalitaan ko nga ito ay tinawagan ko agad ang business manager ng sexy star at umamin itong four months pregnant na ang kanyang alaga.
Ang reason kung bakit hindi pa mai-bandera ng sexy actress ang kanyang kondisyon ngayon ay dahil baka raw maapektuhan ang kanyang commercial endorsements. Umiiwas lang daw ito sa mga asunto. Pero sabi nga ng aming source, hindi naman nila patatagalin ang pagta-tago ng girl - very soon ay lalabas na si sexy actress at matapang nitong ha-harapin ang publiko at ipagsisigawan ang kanyang pagbu-buntis.
Ang maganda lang dito, masaya si sexy actress sa kanyang kalagayan, at in fairness, may tatayong ama ang bata once na ipanganak na ito.
Anyway, in a few weeks ay mababalitaan niyo na kung sino ang buntis na sexy star. Basta simple lang ang clue ko, ang name ng girl ay ka-tulad ng pangalan ng isang namayapang prinsesang namatay sa aksidente. Naku, parang give-away na ang clue, ha! Okay, sige, kung hindi niyo pa rin nahulaan, ito pa ang isang clue, ka-apelyido niya ang isang batang senador.
Naku, hindi talaga ako marunong gumawa ng blind item, bukong-buko na, 'di ba? Hahaha! Kapag hindi niyo pa 'yan nakuha, lukaret na kayo! Hahaha!
Basta, love namin ang sexy actress na ito, dahil napakabait na bata at marespeto sa kanyang kapwa.
Technorati Tags: Diana Zubiri, GMA, blind item
No comments:
Post a Comment