Monday, February 9, 2009

Marian Rivera - The Subject of Cristy Fermin's Demolition Job?


From accepting mother roles in GMA shows like Muli and Super Twins, Marian Rivera's stardom shot up that now she is GMA's hottest stars. To date, Marian Rivera is seen with Dingdong Dantes in Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, where she is Proserfina Valdez.

Aside from her successful television career, Marian has faced numerous setbacks in her personal life. Last year, she broke up with her boyfriend Ervic Vijandre. And just recently, she was rumored to be the cause of the Dingdong Dantes-Karylle break up.

Anyway, a week ago, it seems Cristy Fermin is having a grand time lambasting Marian in her blind items. One blind item stated that Marian's former classmates spilled the beans of how she is fond of copying from her seatmates during her student years, that she was older than what she reveals and she has attitude problems. And here's the latest:

MALDITANG AKTRES, NI-LAIT ANG MGA TAGA-ISKUWATER SA TAPING, MUNTIK KUYUGIN KAYA PINA-DALHAN NG MGA BODYGUARDS NG NETWORK
(Buti hindi ka binalatan nang buhay, awwww!)
ni Cristy Fermin, Bulgar


Ayon sa isang impormanteng nakausap namin, para mapangalagaan at mapanindigan daw ng isang nagbabagong-imaheng aktres ang kanyang mga pangako ay may ginagawa ang kanyang kampo.

Sabi ng aming source, "Hindi kasi nila hawak ang dila ng babaeng 'yun, nasa dugo na niya talaga ang pagiging maldita at palengkera, kaya walang nakaka-alam kung ano ang puwede niyang magawa in a given situation.

"So, para mailigtas nila sa ka-negahan ang girl, guma-gawa na lang ng paraan ang mga taong nakapaligid sa kanya para hindi siya ma-lagay sa sitwasyong makaka-pangit sa dati na niyang negang image.

"Kunwari, pupunta sa isang lugar si (pangalan ng malditang aktres), kailangang may advance party na siya ru'n, ang ka-isa-isang kailangang gawin lang nu'ng mau-una sa kanya, ang sabihin sa mga taong dadatnan nu'ng aktres na hwuag na siyang ta-tanungin ng mga alanganing topic.

"Nu'ng minsan kasing nag-show siya sa isang probinsiya, eh, may nagtanong sa kanya, 'Kumusta na si (pangalan ng isang batang aktres na dating girlfriend ng leading man ngayon ng malditang aktres)?' Ang isinagot niya nang walang kakurap-kurap ang mga mata, 'Malay ko sa kanya! Hindi ako tanungan ng mga nawawalang kalabaw!'

"Ganu'n siya kataklesa at kapalengkera, kaya 'yun ang iniaayos ngayon ng mga nagpapatakbo sa career niya. Para wala nang mangyaring tarayan o pagmamaldita, inaalagaan na agad nila ang lugar na pupuntahan nu'ng alaga nila," kuwento ng aming soiurce.

Pati ang tinutuluyang bahay nu'ng aktres ay kailangang i-check na ring mabuti ng advance party, kailangan nasa ayos ang lahat, dahil kung hindi ay makapagsasalita na naman ang negang aktres.

"Nu'ng minsang nagtaping siya sa isang lugar na kilala sa pagiging magulo, malapit na siyang hindi makalabas nang buhay du'n sa place, nanghahaba kasi ang nguso niya sa pagsimangot, pinipintasan din niya ang lugar.

"Para bang lumaki siya sa karangyaan, para bang lumaki siyang walang pinagdaanang kahirapan, kaya ang sabi niya, 'Ang bahu-baho naman dito! Wala na bang ibang place na mas maayos kesa rito?'

"Ay! Tiningnan siya nang masama ng mga nandu'n, parang gusto na siyang kuyugin ng mga taga-roon, sinabihan ng mga nandu'n ang PA ng aktres , 'Sabihan niyong umayos ang alaga niyo, dahil kapag namintas pa uli siya, hindi siya makakalabas sa lugar na ito na wala siyang mga latay sa katawan!'

"Sa takot ng staff niya, call agad sila sa mother station nila, nagpadala naman agad ng security guard ang network para lang siya bantayan du'n habang nagtatrabaho siya.

"Ganu'n kadulas ang dila ng babaeng 'yun, pero ang promise nga niya, eh, magba-bago na raw siya. Parang ayaw maniwala ng marami sa mga sinasabi niya, ang kanilang katuwiran, ang unggoy daw, damitan mo man ng ginto, eh, unggoy pa rin!" napapailing na sabi ng aming source.

Aaawwww!! Napakasakit naman nu'n! Ma-hulaan kaya ni Mommy Leng ng Estacion, Paniqui, Tarlac na loyalista ng Bulgar kung sino ang bida sa kuwentong ito?

Marami kayang mauupo ngayon sa Row 4 na ka-tabi ang mabahong basurahan?


Well, Cristy is not really a very credible source now. But I think Marian should defend herself from all these almost daily blind item courtesy of her current detractor Cristy Fermin.
Technorati Tags: , , , ,

10 comments:

  1. obviously network war. wag na patulan ang kababawan ni CF

    ReplyDelete
  2. agree me diyan...hehehe...

    ReplyDelete
  3. ano ba si Cristy Fermin, nagsusulat para sirain si Marian? Ganun n b siya ka inggit sa babaeng ito? Grabe na ha araw araw na lang. Marami ba sya masusulat na ibang tao to be a worthwhile and productive writer hindi ang pagsulat sa 1 tao lang.

    ReplyDelete
  4. hay... wede ba tumigil ka na.. wala ka nanang say.. muka kang bakla.. kaya ka marami nakakaaway.. tapus wala ka na sa the buzz. buti nalng pumalit c kris.. i love her... wala ka na... umuwi ka na..baliw

    ReplyDelete
  5. ang pangit mo!!!!

    ReplyDelete
  6. CF you seemed to be bitter.. Ano bah? Wala ka na sigurong masulat, kaya ka hindi na credible writter eh! Wala kana kasing masulat na maganda.. Sana hwag puro paninira..Ayusin mo naman ang pagsulat mo.. Gusto mo mawala karin sa dyaryong sinusulatan mo? Maawa ka naman sa sarili mo maging sa iba na hindi ka naman inaanu, katulad ni MArian..Nang magpunta kaya siya sa Cebu dinumog siya ng mga fans..and walang pasabi ang pagpunta niya doon ngulat nga ang mga tao na pumunta siya doon para sa Sinulog..eh, bakit maganda naman pakitungo niya doon..

    ReplyDelete
  7. Eto ay nilalabas ko rin ang hinaing ko. Kahit di naman siraan ni Ms. Cristy yung taong yun eh lumalabas ang natural niya kapag off camera..sabi nga nung babae eh cavitena siya kaya atapang atao..di nagiisip kung may masasaktan siya. Basta ang mahalaga eh wag siyang masaktan..one sided???!!!!

    Sikat siya dahil bumagay mga role na binigay ng channel 7 sa kanya..pero yung role na kaya nyang gampanan eh nakakasawa na...at laging pareho ang tono ng boses para sa ibat ibang character na ginagampanan niya...mas magaling umarte yung mga supporting characters na kasama niya...buti na lang

    At for the fans --di ba kayo nagtatampo sa babaeng yun kasi halatang halata naman na may mag bf sila ni Dingdong eh ayaw pa aminin...bakit???!!!! it's not my concern pero action speaks louder than words ..kaya kung ayaw niyo sa babaeng yun eh wag tangkilikin ang mga shows niya at wag na ring pag usapan o isulat sa lathala ang pangalan niya o kung anumang event na pinangungunahan niya. Ay salamat at lumuwag din ang kalooban ko. Pananaw ko lang ho ito. Salamat.

    ReplyDelete
  8. maganda siya kung ganda ang pag uusapan lang,,pero once na bumuka na ang bibig nya, turn-off talaga,,,napanood ko yung isang episode ng "hinugutan ni dd", tama nga ba yung title ko,ha ha ha ha ,anyway, yung tono ng boses nya ay walang feeling (kung sa drama pag -uusapan)....mas bagay ang role ni maricel sa kanya...dahil sa tono ng boses nya at pag-arte nya....ganuon ang bagay na role para sa kanya....nakakasawa na yung sa kanilang 2 ni dd....walang pagbabago....

    ReplyDelete
  9. nakakatawa nman yang blind item na yan.. para bang kilalang kilala ni cristy fermin si marian rivera.. nakasama na ba bya ito..? kung hindi pa man.. anOng klaseng taO sya na napakadaling maniwala sa sabi sabi..? o baka nman wala talagang nagsasabi sa kanya kundi gawa gawa nya lang mismo yang blind item na yan..
    nakakagulat lang kung bakit sa mga writer na taga channel 2 eh napa panget ng imahe ni marian rivera.. samantalang nung nakita ko sya ng personal dahil ka klase sya ng pinsan kO eh napaka bait nman nya at magalang.. wala nman ibang masabing negative mga ka klase ng pinsan ko about kay marian..
    kung si cristy fermin madaling maniwala sa sabi sabi o sa tsismis dahil napaka tsismosa nya.. eh di dapat maniwala din ako at tayOng lahat sa mga tsismis sa kanya.. bakit di nya i blind item ang sarili nya..? maduming babae si cristy fermin.. tatalunin pa nya ang isang balahurang bakla sa.. ( alam nyO na.. ) ang nagsasabi nun ay ung mga mismong malapit kay cristy fermin at kilalang kilala sya noOng kasagsagan pa ng ka elyahan nya..! ang taOng maelya kahit dumaan man ang napakaraming panahOn ay ma elya pa rin..

    ReplyDelete
  10. ang mga taong maniniwala kay cristy fermin eh walang bait sa sarili

    ReplyDelete

Blog Widget by LinkWithin