Monday, February 2, 2009

Polo Ravales: User-Friendly Boyfriend?



So it was revealed by a lowly starlet that hunk Polo Ravales has been milking her out of her money.

Krissa Mae (That dancing girl from the GMA defunct show Gobingo) has accused Polo of being a user boyfriend because he allegedly borrows money from her! Not a very gentlemanly act indeed! Polo, on the other hand, has utterly denied the allegations thrown at him because he insists that it was him who actually helped the upcoming starlet to land some jobs for her to earn money.

However, rumors still persists that ex-girlfriends of Polo (like Ara Mina and Jean Garcia) have been victimized by the alleged "user-friendliness" of Polo to his love interests. In fact, a blind item from Cristy Fermin obviously pointed out he is indeed freeloading boor. Read the article below:

AKTRES, UMAMING BILMOKO NGA ANG EX NIYANG HUNK ACTOR

(Ay, ay ay, 'di na kailangang hubaran ng damit para mahulaan...)

ni Cristy Fermin, Bulgar



Ang mga blind items ngayon ay silip na silip na. Hindi na kailangang mag-sunog pa ng kilay ang
bumabasa dahil masyado nang bigay na bigay kung sino ang personalidad na pinagpi-pistahan sa
blind item.

Minsan nga ay mismong 'yung naka-blind item pa ang tuma-tawag sa sumulat, "Ako ang nasa blind item mo!" sasabihin ng artista, saka ito tatawa nang pagka-lakas-lakas.

Pangalan na lang kasi ang kulang, ang lahat ng pagkaka-kilanlan sa personalidad ay nandu'n na, parang isinu-subo na sa mambabasa kung sino ang sentrong karakter ng pitik-bulag.

Nu'ng isang araw ay isinulat namin ang kuwento tungkol sa isang hunk actor na bilmoko. Baligtad ang senaryo, hindi ang babae ang pabili nang pabili sa kanyang ka-relasyon, ang boyfriend ang mahilig magpabili sa babae.

Tinawagan ni actress A ang kaibigan nitong aktres, naging girlfrien kasi ng hunk aktor si actress B, kaya meron itong inusisa.

Si actress A, "Girl, totoo bang bilmoko si (pangalan ng hunk actor)? Palagi kasi siyang bida sa mga blind items ngayon, totoo ba ito?" tanong ni actress A. Si actress B, "Talaga? Anu-ano ang naka-lagay? Detalyado ba?" Sabi naman ni actress A, "Oo, bigay na bigay kung sino, eh. Siya talaga ang bilmokong bida ngayon sa mga blind items!"

Nag-tapat si actress B sa kanyang kaibigan, biglang naglabas ng saloobin ang aktres, ipinag-tapat niya na nu'ng sila pa ang magka-relasyon, kapag kuma-kain sila sa labas, bihirang-bihirang humugot ang lalaki ng pambayad sa restaurant.

Pagtatapat ni actress B, "'Yun na nga, eh. Nai-inis siya kapag na-ba-blind item siya, pero hindi naman siya marunong magdala ng relationship. Siya naman ang nagbibigay ng idea sa mga tao kung anong klaseng boyfriend siya.

"Imposible naman sa akin nang-gagaling ang mga kuwento, 'di ba? Pero nandiyan ang waiter, 'yung cashier ng restaurant, sila ang nakaka-alam kung sino ang nagba-bayad kapag luma-labas kami.

"Minsan, cash akong mag-bayad, may mga times namang card ang gina-gamit ko. Natural, alam nu'ng mga waiter at cashier kung kaninong card 'yun, kaya bakit siya naga-galit kapag luma-labas na girl ang nagba-bayad kapag nag-de-date kami?" pagta-tapat ni actress B.

Heto na. Tuwing uma-alis pala ng bansa ang aktres ay mahabang listahan ang ibini-bigay sa kanya ng hunk actor. Kung anu-ano ang bilin nito, parang wala nang mabibiling iba si actress B, puro sa lalaki na lang.

"Pero ang the height, nu'ng minsan, hini-hiram ni (pangalan ng hunk actor) ang diamond stud niya. Nakaka-loka, pati ba naman ang hikaw ni (pangalan ni actress B) , hihiramin pa niya?

"Naku, hindi siya nag-tagumpay, hindi ipina-hiram nu'ng girl ang diamond stud niya, nahimasmasan na ang lokah dahil naka-halata na rin siya na masyadong ma-utak ang lalaking 'yun!" huma-halakhak na kuwento ng aming source.

Ay, ay, ay, mabuti naman at maagang na-untog sa katotohanan si actress B, hanggang rubber shoes at branded shades lang ang na-getching sa kanya nu'ng bilmokong ex niya, nai-ligtas niya ang diamond stud na hini-hiram kuno ng bilmokong hunk actor!

, , ,

1 comment:

  1. e kaninong lalaki naman nya ginagastos ang sweldo nya? haha.

    ReplyDelete

Blog Widget by LinkWithin